’’ANG IGLESIA NG PANGINOONG JESUKRISTO”


1. Mga tapat na naghahanap ng katotohanan ay nalilito, sa libu-libong ibat ibang denominsyon sa mundo ngayon.
   A. Bawat denominasyon ay mayroong sariling pangalan, upang makilala ito sa lahat ng denominasyon.
   B. Bawat denominasyon ay sumasamba sa ibat ibang paraan. Ayon sa kanilang gusto.
2. Ang ibang Iglesia at Tama?
   A. Ang isang Iglesia ay mas mabuti sa iba
   B. Kung hindi, alin tamang iglesia?
   C. Imposeble ba ng makilala ang tunay na iglesia?
3. Ang pagkakaroon ng isang malawakang di pagkakasundo at pakakakampi ay hindi nakalulugod sa Dios.
  A. (1 corinto 14; 33) Ang Dios ay hindi tagapag panukala ng kalituhan.
  B. (Juan 17;17-23) Ang panginoong Jesus ay dumalangin an ang mga sumasampalataya sa kanya ay dapat na magkaisa.
1.       Hindi imposeble ang pagkakaisa sapagkat ang panginoon ang dumalangin  patungkol dito.
2.       Ang pagkakaisa ay mahalaga, para sa ika aayos ng mga nagsisimpalataya ditto sa sanglibutan.
3.       Ang pagkakaisa ay possible kung ito’y nan aka batay sa mga salita ng Dios.
4. Saliksikin natin ang Biblia upang makilala ang tunay na iglesia.
A. Kailangang subukin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng mga salita ng Dios.
(ISIAS 8; 19-20) Silay nakikipag sanggunian sa mga masamang Espiritu at mga manghuhula,
nagsisihuni at nagsisibulong, hindi ba marapat na silay sumangguni sa Dios. 
B.Sa kautusan at patotoo; kung hindi sila magsasalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanina.
(Mateo 28;18) At ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na saakin.
(Lucas 6;46) At bakit tinatawag ninyo akong panginoon, panginoon at dimonyo ginagawa ang aking mga sinasabi.
(Juan 14;15) Kung ako’y inyong iniibig, ay tuparin ninyo ang aking mga utos.
(Juan 15;14) kayoy aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo.
(Colosas 3;17) Ang lahat ng bagay ay gawin ninyo sa pangalan ng panginoong Jesus.

1.  ‘’ANG KRISTO AT ANG KANYANG IGLESIA AY HINDI MAGKAHIWALAY’’
   A. Ang gusto nila ay ang akristo, ang kanyang iglesia ay inaayawan.
1. Ang sinasabi kung si JESUS OO, kung ang IGLESIA hindi.
2. Marami ang nagtuturo na tanggapin mo na si Jesus ang iyong tagapaligtas, at pagkatapos ay umanib kana sa alin mang Iglesia na ibig mo.
B. Ang kristo at ang kanyang IGLESIA ay magkasama. Hindi magkakaroon ng IGLESIA. Kung wala ang kristo Jesus, kung wala ang jesukristo gayon din ang IGLESIA.
1. SI KRISTO ANG ULO, ANG IGLESIA ANG KATAWAN.
Ang ulo ay hindi maaring mabuhay kung ito’y hiwalay sa kanyang katawan, gayon din naman kung ang katawan ay hiwalay sa ulo.
(Efeso 1;11-23) Sapagkat siya ang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng bagay sa iglesia sa siyang katawan niya.
(1 Corinto 12;20) Datapuwat maraming sangkap ngunit iisang katawan.
1. Si Kristo ang Hari; (Mateo 16;18-19) ‘’Pedro’’ ibinigay ko sa iyo ang Susi ng kaharian.
(1 Timoteo 6;15) Sapagkat siya (Kristo) Ang hari ng mga hari.
2. Chist is the Bridegroom; the Church is his Bridge
(2 Corinto 11;1-2) ( Apos 19;7 - 22;17)
3. Si kristo ang Pastor, Ang IGLESIA ang kawan.
(Juan 10;11 - 1 Pedro 5;4)
4. Ang kristo Jesus ang nagmamay ari, siya ang may karapatan, sapagkat dugo niya ang ipinang tubos.
(Mga Gawa 20;28).
5. Ang kristo ang tagapagpatayo, ang iglesia ang siyang gusali.
(Mateo 16:18) Itatayo ko ang aking iglesia.
(1 Corinto 3:09) Kayo ang bukid ng Dios, Ang gusali ng Dios
(Efeso 2;19-22) kayoy mga sangbahayan naman kayo upang maging tahanan ng Dios.
C. Maging sino man siya, ay hindi magiging pagaari ng panginoon Jesus kung wala siya sa kanyang iglesia –CHURCH OF CHRIST.
1. (Mga Gawa 2;38-41-47) Sapagkat ang panginoon ang nagdaragdag sa iglesia, yaong mga nagsitalima sa Evangelio.
2. Ang lahat ng pagpapalang Espiritual ay na kay panginoon Jesus.
(Efeso 1;3) kung wala ang panginoon Jesus wala ang mga pagpapalang spiritual.
A. Tayo ay nangabautismuhan kay kristo.(Galatians 3;26-27)
B. Tayo ay nangabautismuhan sa kanyang iglesia (1 Corinto 12;13)
1. Ang Panginoon Jesus ang tagapagligtas. Siya rin ang tagapagligtas ng katawan ang iglesia.(Mga Gawa 2:27- Efeso 5:23)
2. At dahil sa Panginoon Jesuskristo Pinapakipagsundo niya ang mga tao sa Amang Dios sa Pamamagitan ng kanyang Krus.(Efeso 2;14-16) Sapagkat siya ang ating kapayapaan (V-15) Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kanyang laman. (V-16) at upang pagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios, sa pamamagitan ng Krus.
3. Ang panawagan ni Apostol Pablo sa lahat ng mga tao, (II Corinto 5;18- 20)- Datapuwat ang lahat ng bagay ay pawang sa Dios. Na pinakipagkasundo tayo sa kanya rin sa pamamagitan ni kristo. At ibinigay sa amin ang ministeryo ng pagkakasundo.
(V-19) Sa makatuwid bagay na ang sanglibutan sa kaniya rin. Na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.
(V-19) Kami ngay mga sugo sa pangalan ni Kristo na walang namamanlik ang Dios sa pamamagitan naman sa pangalan ni Kisto, na kayoy makipagkasundo na sa Dios.



·         Kung kaya’t ang masasabi natin, walang magaganap na pakikipagkasundo sa Dios, hanggat ang isang tao ay ayaw niyang kilalanin at sampalatayaan na ang IGLESIA ng itinatag ng panginoong Jesus, ang siya niyang ililigtas, at sa kanyang Iglesia lamang magkakaroon ng kapatawaran sa ating mga kasalanan, at ito rin ang kanyang pinangakoan at pagkakalooban niya ng buhay na walang hanggan sa makatuwid ang (CHURCH OF CHRIST) Iglesia ni Kristo.

·         Kung mayroon po kayong mga katanungan.
Maari lamang pong sumulat o magsadya sa aming Address, Matayumtayum Church of Christ.
Nakahanda po kaming tumugon para sa inyong kapakanan.



‘’ Nag Handa Bro. Eddie Gamurot’’


Comments

Popular posts from this blog

OPENLINE MODEM AND UNLOCK&DEBRAND

CHIRP SOFTWARE APP Downloads

Android 7.0 Nougat ROM for Galaxy S4 GT-I9500, GT-I9505!